Ang Capricorn ay isang astrological sign na kaugnay ng konstelasyong Capricornus. Kaugnay din ito ng mitolohiyang Griyego tungkol sa kambing na si Amalthea, na nagpakain ng gatas sa sanggol na si Zeus. Bilang parangal, inilagay siya ni Zeus sa hanay ng mga bituin sa langit.
Ang Capricorn ay iniuugnay din kay Saturn at sa diyos na si Aristaeus. Madalas ilarawan ang konstelasyon bilang sea-goat, isang kambing na may buntot ng isda. Nagmula ito sa isa pang mito tungkol sa Capricorn: nang salakayin ng halimaw na si Typhon ang diyos na kambing na si Pan, lumundag siya sa Ilog Nile. Ang bahaging nasa ibabaw ng tubig ay nanatiling kambing, ngunit ang bahaging nasa ilalim ng tubig ay naging isda.

